
Ang isang motorcycle rider ay pumailalim sa isang pampasaherong bus matapos siyang sumemplang sa eastbound lane ng Commonwealth Avenue, Quezon City bandang alas-10 ng gabi nitong Lunes, April 28.
Ayon sa 44-anyos na driver ng bus, kasunod niya ang rider bago mangyari ang aksidente. "Habang tumatakbo ako sa Commonwealth, sa tapat ng Central, biglang sumemplang ang motor sa harap ko. Kahit nag-preno ako, hindi ko naiwasan, kaya napailalim ang tao at nasagasaan ang paa niya," kwento ng driver.
Sa video, makikita na nasa ilalim pa ng bus ang biktima. Dinala agad siya sa ospital, ayon sa pulisya. Depensa naman ng driver, wala raw siyang kasalanan dahil kusa raw na sumemplang ang motor.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Quezon City Police District Traffic Sector 5 ang driver habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.