
Tatlong teenagers mula sa India ang nagwagi ng 2025 Earth Prize for Asia dahil sa kanilang natatanging imbensyon na mini-refrigerator na gumagamit lang ng asin at hindi kuryente. Ang kanilang imbensyon na tinatawag na Thermavault ay makakatulong sa mga ospital sa mga malalayong lugar na walang access sa kuryente, para mag-transport ng mga medical supplies, tulad ng bakuna at mga organs.
Ginamit nila ang asin bilang pangunahing materyal sa pagpapalamig. Ang ammonium chloride at barium hydroxide octahydrate ay pinaghalong asin na ginagamit nila upang mapanatili ang temperatura mula 2 hanggang 6 degrees Celsius, na perfect sa pag-imbak ng mga bakuna. Kung kinakailangan pa ng mas mababang temperatura, nagiging subzero pa ito, ideal sa mga transplant organs.
Ang Thermavault ay isang insulated plastic container na may copper lining sa loob. Ang cooling solution mula sa tinunaw na asin ay inilalagay sa pagitan ng plastic at copper wall, kaya kahit wala kang kuryente, reusable pa rin ito. Ito ay malaking tulong kumpara sa cold boxes at coolant packs na gumagamit lang ng ice packs.
Planu nilang mag-produce ng 200 Thermavault para sa 120 ospital sa India at makuha ang Performance, Quality, and Safety certification mula sa WHO.