Nawala ang dalawang-taong-gulang na si Bowden Allen sa kanilang bahay sa Seligman, Arizona, noong April 14, 2025, habang inaasikaso ng kanyang ama ang bubong at ang kanyang ina naman ay abala sa alagaang kapatid. Matapos mag-panic ang pamilya, nagpadala ng mga rescuer ang Yavapai County Sheriff’s Office at isang helicopter ng Department of Public Safety. Nagpatuloy ang paghahanap, ngunit hindi pa rin natagpuan si Bowden hanggang sa lumipas ang magdamag.
Makaraan ang 16 na oras, natagpuan si Bowden ng isang rancher na si Scotty Dunton, pitong milya mula sa bahay nila. Si Bowden ay kasama ang aso ni Scotty na si Buford, isang 6-taong-gulang na Anatolian Pyrenees. Ayon kay Scotty, nakaupo si Buford sa harap ng kanilang bahay at nang makita niya si Bowden, agad siyang nakaramdam ng kaluwagan. "Alam kong siya ang nawawalang bata, kaya't sobrang saya ko na buhay pa siya," ani Scotty.