Natagpuan ang dalawang naaagnas na bangkay sa boundary ng San Mateo at Antipolo sa Rizal noong Biyernes. Ayon kay Alberto Zeller Jr., hepe ng Barangay Police Safety Office, isang concerned citizen ang nakakita sa mga bangkay sa pagitan ng Barangay Silangan at Barangay Cupang. Ang mga biktima ay may edad 52 at 37.
Nasa liblib na lugar kung saan natagpuan ang bangkay, isang forested area malapit sa bangin at puno ng kawayan. Inilahad ng barangay na malayo sa mga kabahayan ang lugar at mahirap marating. Agad tumungo ang mga barangay at pulisya sa lugar upang kunin ang mga bangkay.
Ayon kay PSSG Genesis Almasco ng San Mateo Municipal Police Station, nakilala na ang mga biktima, isang tricycle driver at ang kasama nitong pasahero. Patuloy ang imbestigasyon at operasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo sa krimen at mahuli ang mga responsable.