Pinuri ang Bureau of Customs (BOC) ng mga kumpanya ng sigarilyo mula sa United States at Japan dahil sa pagkakasamsam ng smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng P83.7 million sa Bulacan. Kinilala ng Philip Morris Philippines Manufacturing at Japan Tobacco International ang dedikasyon at pagiging epektibo ng BOC, pati na rin ang pamumuno ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio.
Noong April 24, nasamsam ng mga awtoridad ang 717 kahon at anim na truckload ng mga iba't ibang brand ng sigarilyo mula sa isang warehouse sa Bocaue, Bulacan. Ayon kay Rubio, ang mga may-ari ng warehouse ay haharap sa kasong paglabag sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law kung hindi nila maipakita ang mga kinakailangang dokumento sa loob ng 15 araw.
Posibleng magharap din ng kaso ang mga may-ari ng smuggled na dried tobacco products dahil sa paglabag sa Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.