
Isang lalaki mula sa Japan ang inaresto matapos itago ang katawan ng kanyang ama sa loob ng cabinet ng dalawang taon upang maiwasan ang mahal na gastos ng libing. Ayon sa South China Morning Post, ang 56-anyos na si Nobuhiko Suzuki ay hindi nagbukas ng kanyang Chinese restaurant sa Tokyo ng isang linggo, kaya nag-alala ang mga kapitbahay at nagsumbong sa mga awtoridad.
Nang dumating ang mga pulis, natagpuan nila ang bangkay ng kanyang ama sa wardrobe. Ayon kay Suzuki, natagpuan niya ang kanyang ama na patay noong Enero 2023, at hindi niya ito ini-report dahil sa takot na malaki ang magagastos sa funeral.
Bagamat mukhang nagsisisi si Suzuki, ipinahayag din niyang nakaramdam siya ng ginhawa dahil sa akala niyang siya'y hindi na kailangan magbayad para sa mahal na funeral. Kasalukuyan siyang iniimbestigahan at haharap sa kasong pagnanakaw ng pension ng kanyang ama.
Sa isang survey noong 2020, napag-alaman na ang karaniwang gastos sa libing sa Japan ay umaabot sa 3 milyon yen, na tatlo hanggang apat na beses na mas mataas kumpara sa mga bansang US at Europe.