Nahuli sa Boracay Island noong April 25 sina Liang Jianhua (40) at Gong ZongLian (38) na hinihinalang mga magulang ni Wenli Gong — ang babaeng konektado sa kidnap-slay ng businessman na si Anson Que at driver nitong si Armanie Pabillo. Ayon kay Brig. Gen. Jack Wanky, nahuli sila habang papasakay ng isang hired helicopter dahil sa falsification of legal documents at pagtatago ng totoong pagkakakilanlan.
Sabi ni Wanky, iniimbestigahan pa kung sila nga ba talaga ang magulang ni Gong dahil sa edad nilang 40 at 38 pa lang. Kasama ng mag-asawa ang tatlong batang lalaki na pinaniniwalaang mga anak ni Gong. Nasa kustodiya na ngayon ng Municipal Social Welfare and Development Office ang mga bata.
Dumating daw sila sa Boracay noong April 10, isang araw matapos matagpuan ang mga katawan ni Que at Pabillo sa Rodriguez, Rizal. Umabot sa P500,000 ang binayad nila sa isang travel agency para sa travel, stay, at activities nila sa isla. Dapat hanggang May 5 pa sila sa Boracay pero nagplano nang umalis noong April 21.
Ayon sa isang tour guide, umatras daw sila nang makakita ng mga pulis sa Godofredo P. Ramos Airport. Dahil dito, nanatili sila sa isla hanggang maayos ang kanilang air transport. Si Wenli Gong naman, ayon kay Wanky, ay posibleng nakatakas pero nasa Region 6 pa rin.
May P5 million na reward para sa makakapagturo sa kinaroroonan ni Wenli Gong.