Nahuli ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Hapones na miyembro umano ng ‘Luffy Gang’ nitong Martes sa Las Piñas City.
Kinilala ang suspek na si Takuya Hoshino, may arrest warrant mula sa Tokyo Summary Court, at overstaying na sa Pilipinas mula pa noong 2019.
Ayon sa BI, may kaso siya sa Japan dahil sa pagnanakaw, panlilinlang, at iba pang ilegal na gawain. Kilala ang ‘Luffy Gang’ sa pananakot at pagpapanggap bilang pulis para makapambiktima ng matatandang Hapones.
Nakapiit na si Hoshino sa BI facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig. Pagkatapos nito, siya ay ipapa-deport at iblacklist para hindi na makabalik sa Pilipinas.