
Isiniwalat sa Senado na ang gobyerno ng China ay kinontrata ang isang kompanya sa Makati para sa troll farms. Ayon sa Senador Francis Tolentino, ginagamit umano ito para impluwensyahan ang opinyon ng publiko at gamitin ang social media sa halalan ngayong Mayo.
Sinabi ng National Security Council (NSC) na may mga indibidwal at influencer sa Pilipinas na ginagamit para palaganapin ang mensahe ng China, lalo na tungkol sa isyu ng West Philippine Sea.
Ipinakita rin sa hearing ang kontrata ng Chinese embassy sa Infinitus Marketing Solutions, na nagkakahalaga ng P930,000, para palakasin ang imahe ng China sa social media. May posibleng dayuhang pakikialam umano sa halalan, ayon sa Comelec at mga ahensya ng gobyerno.
Sabi ni Tolentino, ang layunin ng China ay sirain ang pagkakaisa at impluwensyahan ang pulitika ng Pilipinas sa pamamagitan ng espionage at fake news.
Nanawagan ang Senado sa mga ahensya na silipin ang operasyon ng kompanya, at bantayan ang kalayaan at seguridad ng bansa.