
Patay si Mayor Atty. Joel Ruma ng Rizal, Cagayan matapos barilin ng hindi pa kilalang mga suspek noong Abril 23, 2025, habang siya ay nangangampanya sa Barangay Iluru Sur. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang insidente pasado alas-9 ng gabi habang nakikipag-picture taking si Mayor kasama ang mga residente.
Sa gitna ng kasiyahan, biglang dumating ang mga salarin at pinaputukan ang grupo. Kasamang nasawi sa insidente ang dalawang close aide ng alkalde.
Agad silang isinugod sa ospital pero idineklara ring dead-on-arrival ng mga doktor.
Patuloy pa rin ang paghahanap ng mga pulis sa mga suspek at imbestigasyon sa motibo ng krimen.