Patindi nang patindi ang labanan para sa nalalapit na midterm elections sa 2025! Sa pinakahuling survey, lumutang ang matitinding pangalan sa senatorial at party-list race. Ang independiyenteng survey na ginawa mula Marso 25 hanggang 31, 2025, ay nagsagawa ng face-to-face interviews sa 5,000 katao sa buong bansa, at may ±1% margin of error.
Sa senatorial race, nagtabla sa tuktok sina Senator Bong Go (68.3%) at Senator Bong Revilla (67.9%). Sunod nila sina Congressman Erwin Tulfo (63.1%) at dating Senate President Tito Sotto (62.7%), na parehong malakas ang suporta mula sa masa. Sumunod si Ben Tulfo (58.4%), isang halimbawa ng lakas ng media sa mga botante.
Hindi rin nagpapahuli sina Congresswoman Camille Villar (55.3%) at dating DILG Secretary Benhur Abalos Jr. (54.6%), na magkatabla sa 6th-7th spot. Si Senator Francis Tolentino (52.9%) ay nasa ika-8 puwesto, at nagtapos sa ika-9-10 na puwesto sina Senator Manny Pacquiao (51.5%) at Pia Cayetano (50.7%).
Sa party-list race, nangunguna ang Tingog (7.58%), kasunod ang ACT-CIS (6.32%) at Ako Bisaya (6.17%). Malalakas din ang laban ng 4Ps (5.76%) at Ang Probinsyano (4.28%). Marami pang party-list ang umaasang makakapasok sa Magic 12, at may mga posibleng pagbabago pa sa mga susunod na linggo.