
7 katao ang patay matapos ang isang massacre sa isang bakery sa Barangay Cupang, Antipolo, ayon sa pulisya ngayong Martes.
Ayon kay PCol. Felipe Maraggun, hepe ng Rizal police, nag-ugat ang krimen sa isang alitan o hindi pagkakaintindihan. Kinumpirma ng Antipolo police na may naganap na multiple-murder incident sa bakery ngayong umaga.
Isang tanod mula sa barangay ang nag-report ng isang "stabbing incident" kaya agad nagresponde ang mga pulis. Sa crime scene, 7 katawan ang natagpuan.
Ang suspek ay kusang loob na sumuko sa PNP headquarters sa Camp Crame, sa Quezon City.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon para malaman ang buong detalye ng krimen at ang motibo ng suspek.