Isang Korean national na si Kim Il Dong ang binaril at ninakawan ng dalawang lalaki na naka-motor sa Barangay Anunas, Angeles City nitong Easter Sunday.
Ayon sa mga pulis, nakatayo si Kim sa may Friendship Highway nang agawin ng isang lalaki ang kanyang bag. Yung isa namang kasama ay bumunot ng baril at binaril siya bago sila tumakas papunta sa Barangay Balibago.
Nanatili si Kim sa Prism Hotel, pero hindi pa malinaw kung business trip o bakasyon ang purpose niya. Nag-launch na ng manhunt ang Angeles City Police para mahuli ang mga suspek.