Ayon sa Deezer, 18% ng mga kanta na ina-upload sa kanilang platform ay gawa ng AI. Mayroong mahigit 20,000 AI-generated tracks na ina-upload araw-araw, halos doble ng bilang noong nakaraang mga buwan. Ayon kay Aurelien Herault, innovation chief ng Deezer, patuloy ang pagdami ng AI-generated content at wala pa ring palatandaan na ito'y hihinto.
Upang matulungan ang kanilang 9.7 milyon na subscribers, inilunsad ng Deezer ang detection tool noong Enero, na tumutulong para i-filter ang mga AI-generated na kanta mula sa kanilang algorithmic recommendations. Ang AI music tools tulad ng Suno at Udio ay nahaharap sa mga kasong legal mula sa mga major music labels tulad ng Universal Music Group, Warner Music Group, at Sony Music, na nagsasabi na ginagamit ng AI ang kanilang copyrighted works nang walang pahintulot.
May mga artista tulad nina Billie Eilish, Nicki Minaj, at Stevie Wonder na nagbabala laban sa paggamit ng AI sa paggawa ng musika na maaaring maka-apekto sa paglikha ng sining at magbawas sa importansya ng mga human artists. Sa ngayon, patuloy na sumasabog ang mga isyu tungkol sa AI hindi lang sa musika kundi pati sa Hollywood at paggawa ng pelikula.