MAMA, ‘DI KO ABOT!
Ang limang taong gulang na batang ito ay nagpasaya sa lahat ng tao ng dahil sa kanyang cute at nakakatuwang moment sa “Salubong” tuwing Linggo ng Pagkabuhay. Ang video, na in-upload ni Lea Erizel Dalangin, ay nagpapakita kay Jorgeina Kassidy Santos Barcelona na naka-angel costume at humihingi ng tulong sa kanyang nanay habang ginagawa ang “Salubong” sa Diocese Shrine of San Isidro Labrador sa Pulilan, Bulacan.
Kwento ni Dalangin, sobrang cute daw nang sabihin ni Jorgeina, “Mama, hindi ko abot,” habang sinusubukang alisin ang belo ni Mama Mary. Talaga raw itong isang pure at innocent na moment na nagpapatawa sa lahat.
Si Kristine Abegail Santos-Barcelona, nanay ni Jorgeina, ay inilarawan ang kanyang anak bilang masayahin, bibo, at ma-dalangin. Sinabi niya na bago sumampa si Jorgeina, tinitiyak muna niyang nakaharap ang kanyang nanay para mag-alis ng belo, kaya siguro siya humingi ng tulong nang hindi niya maabot ito.
Hanggang sa ngayon, ang video ay umabot na sa higit 8.9 milyong views sa social media! May netizen na nagkomento, "Ganyan talaga yung mga angel, puro innocence and kindness."