
Kapag binigyan ka ng buhay ng tangerines, lemons, o kahit dalandan, minsan mapapaisip ka: “Anong gagawin ko dito?” Ang When Life Gives You Tangerines, isang Korean drama sa Netflix na may 16 episodes, ay sagot sa tanong na ’yan. Ang kwento nina Gwan-sik (Park Bo-gum) at Ae-sun (IU) ay isang emosyonal na biyahe—parang rollercoaster ng saya at lungkot, na parang tunay na buhay.
Hindi katulad ng lemons na maasim, tangerines ay may tamis. Ganito rin ang pagmamahalan nina Gwan-sik at Ae-sun—hindi nagbabago, hindi nauubos, kahit ilang taon ang lumipas. Bata pa lang sila, alam na ni Gwan-sik na ang pangarap niya ay suportahan si Ae-sun. Sabi niya, “Kung gusto niyang maging president, ako na lang ang maging first lady.” Hindi siya nagbiro. Buong buhay niya, siya ang humawak sa string habang lumilipad si Ae-sun.
unconditional love ng tatay, at kung gaano ka-importante ang pamilya. Mula sa deep-sea diving na nanay hanggang sa batang gustong maging makata, When Life Gives You Tangerines shows that dreams are not just for ourselves—dala natin ang pangarap ng buong pamilya.
Sa totoo lang, masakit sa puso panoorin. Marami kang iiyak. Parang Tanging Yaman na Korean version. Sabi nga ng iba, dapat ang title nito ay When Life Gives You Onions, kasi iyak ka nang iyak. Pero kahit umiiyak ka, may saya. May aral. May pag-asa. May pagmamahal.