CCTV footage sa Brgy. Tinag-an, Albuera, Leyte, ang nagpapakita ng at least five armed men pagkatapos barilin si Rolan “Kerwin” Espinosa noong April 10. Makikita sa video na suot ng ilan sa kanila ang Bando Espinosa Pundok Kausaban (BEPK) shirts—ito ang local political party ni Espinosa.
Ang mga pictures ay galing sa Facebook page na “Maskara” at shinare noong April 18. Dito makikita ang mga lalaki na may hawak na baril kahit obvious na wounded na si Espinosa. Yung mga netizens nagtatanong kung bakit armed ang grupo niya kahit may election gun ban.
Ayon sa COMELEC Resolution No. 11067, bawal magdala ng baril sa public places during election period, which is from January 12 to June 11, 2025. Violation ng rule na ito ay pwedeng mauwi sa kulong (1 to 6 years), disqualification from office, at loss of voting rights.
Hanggang ngayon, hindi pa kilala ang limang lalaking may baril sa video. May mga reports din na kasama raw si Police Major Angelo Sibunga sa mga nakasuot ng BEPK shirt nang i-question ang 7 pulis na persons of interest. Pero sa paraffin test, lahat ng pulis ay negative sa gunpowder residue.
Si Kerwin Espinosa ay recovering pa rin ngayon. Sa isang Facebook Live noong April 20, sinabi niya na handa siyang magpatawad:
"Dati di ko ma-imagine na magpatawad, lalo na’t ako mismo yung binaril. Pero wala talaga sa isip ko ang gumanti. Ipagdadasal ko na lang sila."