Bago mag-Lenten break, inihayag ng Kawasaki ang CORLEO, isang kakaibang four-legged mobility concept na para bang galing sa isang sci-fi movie. Ang CORLEO ay isang personal transport vehicle na parang robotic pony. Layunin nitong pagsamahin ang saya ng off-road motorcycling at ang makabagong teknolohiya ng advanced robotics.
Ayon sa Kawasaki, ang CORLEO ay may handling at stability na katulad ng isang motorsiklo, at ang harapan nito ay may sportbike fairing. Nakakagulat, ang gamit nitong 150cc engine ay katulad ng sa mga underbone motorcycles, pero imbes na gasolina, gumagamit ito ng hydrogen para mag-generate ng electricity. Ang electricity na ito ay nagpapaandar sa mga electric motors na kumikilos sa bawat independent leg, nag-aalok ng isang bagong eco-friendly na paraan ng off-road mobility.
Bagamat isang concept pa lang, hinahamon ng CORLEO ang pananaw na ang saya ng pag-mumotor ay limitado lang sa dalawang gulong. Pinapalagay ng Kawasaki na sa hinaharap, ang personal mobility ay magkakaroon ng ganap na bagong anyo, parang horseback riding na rin.