Porsche 911 GT3 ngayon ang pinakamabilis na manual car sa Nürburgring Nordschleife, matapos mag-clock ng 6:56.294 lap time. Si Jörg Bergmeister, isang Porsche brand ambassador, ang nag-drive at tinalo ang dating record ng higit 9.5 seconds, kahit pa kalaban niya ay mas malakas ang makina.
May Weissach Package at 6-speed manual gearbox, nalampasan ng bagong GT3 ang dating model na may PDK transmission ng lampas 3.6 seconds. Kahit parehong 510 hp ang makina, nakatulong ang mas pinaikling gear ratio at improved suspension para sa mas bilis sa arangkada at liko.
Ginamit ang Michelin Pilot Sport Cup2 R tires at sinubukan sa 20.832-kilometer course sa perfect spring weather. Ayon kay Bergmeister, ang bagong chassis setup na galing pa sa GT3 RS ang nagbigay ng tiwala sa kanya kahit may mga bumps at curbs sa daan.
Kung gusto mo makita ang actual na lap, panoorin mo ang record-breaking video sa baba.