Isang lalaki sa 50s, si Yatish Singhai, ang biglang inatake sa puso habang nagwo-workout sa isang gym sa Gorakhpur, India.
Dumating siya sa gym bago mag 7:00 a.m. at agad nag-start mag-exercise gamit ang iba’t ibang gym equipment. Pero ilang sandali lang, bigla siyang bumagsak sa sahig.
Mga kasama niya sa gym agad siyang tinulungan at dinala sa Bhandari Hospital. Pero kahit sinubukan siyang i-save ng mga doktor, idineklarang patay siya.
Ayon sa National Institutes of Health, bihira mangyari ang heart problems dahil sa pag-eexercise. Pero mas mataas ang risk sa mga middle-aged o may existing heart condition, lalo na kung intense ang workout.
Sabi pa nila, mas risky ang exercise para sa mga taong may coronary heart disease, lalo na kung hindi sanay ang katawan sa intense physical activity.