Muling sumiklab ang sunog sa isang plastic at shampoo factory sa Barangay Veinte Reales, Valenzuela City nitong Linggo, matapos unang ideklarang kontrolado ng Bureau of Fire Protection (BFP).
Nagsimula ang apoy noong April 18 ng 5 p.m. at lumala pagsapit ng 7:50 p.m., kaya agad rumesponde ang mga firefighters mula sa iba’t ibang lugar. Ayon sa BFP, may flammable chemicals sa loob ng planta na nagpahirap sa pag-apula ng apoy.
Unang na-kontrol ang apoy ng Sabado ng umaga pero nagliyab ulit ng 1:09 p.m. kinabukasan. Naapula ito ng 3 p.m. Ayon sa mga workers, sa warehouse ng waste materials nagsimula ang sunog. Wala namang tao sa loob ng planta nang mangyari ito.
Bagama’t malapit sa mga residential area, walang bahay ang naapektuhan. Ilang residente ang lumikas bilang pag-iingat. Walang nasugatan o namatay, ayon sa BFP.
Patuloy ang imbestigasyon ng arson probers para malaman ang dahilan ng sunog at halaga ng pinsala.
Sa Sta. Cruz, Manila, isang sunog sa gusali sa kanto ng Kalimbas at Bambang ang sumiklab din kahapon. Nagsimula ito 11 a.m. at umabot sa second alarm matapos ng 3 minuto. Na-kontrol ito 11:43 a.m. at tuluyang naapula 11:58 a.m.
Posibleng nagsimula ang apoy sa isang eatery sa ground floor ng gusali, ayon sa BFP.