Supreme naglabas ng teaser para sa isang bagong collectible toy na inspired kay Optimus Prime ng Transformers. Sa video, makikita ang isang pulang truck na may BOGO trailer, na biglang nag-transform at sumayaw habang tumutugtog ang “Clarks” ni Vybz Kartel with Popcaan.
Ang Supreme/Transformers G1 Optimus Prime Figure ay may 6.25-inch na height bilang robot at nagiging 13-inch truck kapag in-transform. Ayon sa source na DropsByJay, kasama sa figure ang dalawang kamay, dalawang blaster, fuel hose, roller, at missile runner. May kasama rin itong trailer na puwedeng gawing combat deck at repair bay.
Ang release ng toy ay sa Thursday, April 17, sa Supreme webstore. Wala pang official price, pero base sa ibang releases ng Supreme collectibles, puwedeng umabot sa ₱7,000 hanggang ₱10,000 depende sa demand.
Kung fan ka ng Transformers at streetwear, perfect itong limited edition figure para sa collection mo.