Pumanaw na si Danny Dearden, isang dating X Factor UK contestant, sa edad na 34. Ibinahagi ng kanyang manager na si Denise Beighton sa Instagram ang malungkot na balita. Ayon sa kanya, “Heartbroken to wake up to the news”, at wala pa raw siyang sapat na salita sa biglaang pagkawala ng singer.
Hindi pa binanggit ang sanhi ng pagkamatay, pero ang huling post ni Danny sa IG ay larawan ng isang hot chocolate mula ospital, may caption na: “Costa Coffee #HotChocolates #thebestthingsinceslicedbread.”
Nagbigay din ng tribute si Mel B ng Spice Girls, na naging mentor niya sa show. Sa kanyang IG story, sinabi ni Mel B na naalala niya kung gaano katalented at kabait si Danny, kahit noong X Factor days pa.
Kahit hindi umabot sa live shows noong 2014, nagkaroon pa rin si Danny ng 15 million streams at mahigit 30,000 monthly listeners sa Spotify. Sumikat siya sa mga kantang “Come Down” at “Different Kind of Love.”