
82 na Chinese nationals at 4 pang foreigner ang nakaharap sa deportation matapos silang mahuli sa isang online scam operation sa Makati.
Ayon sa Bureau of Immigration (BI), ang mga nahuling foreigner ay kinabibilangan ng 3 Malaysians at 1 Vietnamese. Sila ay kasalukuyang sumasailalim sa booking at documentation process at ilalagay sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig habang hinihintay ang kanilang deportation.
Nahuli ang mga suspect sa isang condominium sa Sen. Gil Puyat Avenue, Barangay Pio del Pilar noong April 10, 2025. Ang operasyon ay isinagawa ng Fugitive Search Unit ng BI kasama ang CIDG (Criminal Investigation and Detection Group).
Ayon sa CIDG, may isang Chinese man na nagpadala ng mensahe sa WhatsApp, sinasabing siya ay nakakulong sa trabaho at hindi makaalis. Agad nag-operate ang mga awtoridad matapos magbigay ng mission order si Immigration Commissioner Joel Anthony Viado.
Ginamit ng mga suspect ang e-commerce at love scam na mga taktika para kumita ng pera ng ilegal. Wala silang mga work permit, kaya't sila ay nahuli.