Isang babae ang namatay at apat ang nasugatan matapos silang masagasaan ng SUV sa Guadalupe Nuevo, Makati nitong Lunes ng hapon.
Ayon sa Makati Traffic Police, nakaparada ang SUV sa harap ng isang pawnshop at naiwan ito ng walang driver. Ang nanay ng may-ari ng sasakyan lang ang nasa loob.
Nilapitan ng security guard ang sasakyan para paalisin. Nag-volunteer ang guard na imaneho ang SUV, pero nang ibinaba niya ang handbrake, biglang umandar mag-isa ang sasakyan at nasagasaan ang mga taong nasa bangketa.
Nahuli agad ang guwardya, habang sinabi ng nanay ng may-ari ng sasakyan na hindi siya pumayag na galawin ang sasakyan.