Tatlong batang babae na nasa edad 7, 9, at 12 ay nasagip ng NBI matapos silang mabiktima ng pagpapakalat ng kanilang private na mga larawan at video.
Ayon sa NBI, may natanggap silang info mula sa National Crime Agency (NCA) ng UK tungkol sa isang tao na nagpapakalat ng maseselang photos ng minors sa isang messaging app. Na-trace nila ang mga bata sa isang school sa Leyte, at agad silang nasagip sa tulong ng school principal.
Lumalabas sa imbestigasyon na ang mga bata ay nakilala ang suspect online. Pinapadala nila ang kanilang mga nude at sexy photos kapalit ng gadgets tulad ng cellphone at iPad. Dahil gusto ng mga bata magkaroon ng ganitong gamit, nagpadala sila ng photos. Pero hindi ibinigay ng suspect ang mga gadgets, at sa halip, tinakot pa sila na ikakalat ang mga larawan kung hindi sila magpapadala ulit.
Ngayon, nasa DSWD Home for Girls na ang mga bata para sa counseling at protection. Patuloy din ang imbestigasyon para mahanap ang suspect. Ayon sa NBI, walang kaalam-alam ang mga magulang, kaya panawagan nila: bantayan ang mga anak, lalo na kung ano ang ginagawa nila sa cellphone o tablet.
Ang kapalit lang ng mga photos? Mga gadgets na nagkakahalaga ng halos ₱20,000 hanggang ₱40,000, pero kapalit ay ang kaligtasan at privacy ng mga bata. Kaya maging alerto at gabayan ang mga anak, lalo na sa paggamit ng social media.