Nagbigay ng pahayag si Veronica “Kitty” Duterte, anak ng dating Pangulong Rodrigo Duterte, matapos kumalat online ang larawan at video kung saan kitang-kita siyang may hawak na US passport.
Ayon kay Kitty, wala raw siyang dapat ipaliwanag. “I’m a private citizen, Filipino citizen ako. Hindi ko na kailangan mag-explain,” sabi niya. Ang video ay kuha sa labas ng Scheveningen penitentiary sa The Hague, kung saan nakadetine ang kanyang ama dahil sa kasong may kaugnayan sa drug war.
Sa nasabing video, kasama ni Kitty si Vice President Sara Duterte, habang kinakausap ang mga supporters ng pamilya. Kitang hawak ni Kitty ang US passport at nilagay ito sa kanyang Prada bag, na may estimated na halaga na humigit-kumulang ₱150,000.
Noong Marso 2017, inamin ng dating pangulo sa isang talumpati sa Myanmar na American citizen ang anak niyang si Kitty. Ang kanyang partner na si Honeylet Avanceña ay dating nurse sa US bago bumalik sa Pilipinas.
Bagamat may US passport si Kitty, nanindigan siyang wala siyang kailangang linawin bilang isang private individual at wala siyang official position sa gobyerno.