Inanunsyo ng Malacañang na ang trabaho sa lahat ng government offices ay half-day lang bukas, April 16, 2025, para bigyang-daan ang biyahe ng mga empleyado pauwi ng probinsya ngayong Holy Week.
Ayon sa Memorandum Circular No. 81 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ang mga empleyado ng gobyerno ay magta-trabaho mula 8 a.m. hanggang 12 noon, at pagkatapos nito ay wala na munang pasok.
Pwedeng gamitin ng mga ahensya ang flexible work setup o work-from-home arrangement para mas convenient sa mga empleyado. Ngunit, ang mga ahensyang may importanteng tungkulin gaya ng health services, disaster response, at basic services ay tuloy pa rin ang operasyon.
Para sa mga private companies, nasa desisyon na ng kanilang employers kung magpapasuspend din sila ng work o hindi.