
Tatlong katao ang nasugatan matapos ang isang sunog sa isang residential area sa Makabayan Street, Barangay Obrero, Quezon City noong Sabado ng gabi, Abril 12.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), ang mga nasugatan ay sina Rene Santos, 16 (sugat sa daliri), Alfredo Villas, 28 (sugat sa kamay), at Edric Mamarang, 18 (tusok sa kamay).
Nagsimula ang apoy bandang 11:23 p.m. at umabot sa 3rd alarm bago tuluyang nakontrol ng mga bumbero sa 2:50 a.m. at tuluyang naapula sa 4:00 a.m.
Base sa paunang imbestigasyon, ang apoy ay nagsimula umano sa isang kwarto sa 2nd floor ng bahay dahil sa naiwang kandila.
Tinatayang P250,000 ang halaga ng mga nasirang gamit at ari-arian sa naturang sunog.