Isang lalaki ang arestado matapos mang-hostage ng dalawang taong gulang na bata sa Bulungan Market, Barangay La Huerta, Parañaque City noong linggo, Abril 13, 2025. Ayon sa mga awtoridad, habang naglalaro ang bata sa palengke, bigla itong dinampot ng lalaki na may dalang kutsilyo. Naglakad sila ng mahigit isang kilometro, at umabot ng isang oras bago nakipag-ayos ang mga pulis sa suspek.
Ang lola ng bata, si Rossana Bantillan, ay labis na nag-alala nang malaman na kinuha ng lalaki ang kanyang apo. Hindi rin alam ng ama ng bata na ang anak niya ang tinangay. Ang kutsilyo na dala ng suspek ay matalim na pang-hiwa ng baboy, kaya't doble ang takot ng mga residente.