


Nilabas na ng Nike ang bagong Zoom Vomero 5 na may kulay na “Pure Platinum/University Blue.” Ang shoes na ‘to ay perfect for lifestyle at running. Ang base ay white mesh, tapos may silver chrome overlays na nagbibigay ng shiny na accent. Makikita rin ang chrome sa likod part ng sapatos, sa may TPU heel caging.
Meron itong hint of blue sa side panel cage, na nagco-contrast sa black Swoosh sa gilid. Super fresh tingnan kasi ang pagka-blue niya ay hindi overpowering, just the right pop of color.
Makikita rin ang ibang Nike details gaya ng Bill Bowerman stamp sa insole, tongue tag, at mini check sa heel. Ang sole naman ay may white midsole, tapos yung outsole may halo ng blue, black, at white.
Comfy white laces ang kasama para clean pa rin ang datingan. Overall, itong Zoom Vomero 5 version na ‘to ay chill pero standout, sakto sa mga sneakerhead na gusto ng light colors na may konting statement.