Bago pa man siya mag-perform bilang headliner sa Coachella 2025, sinabi ni Post Malone na may paparating na siyang bagong album. Sa isang party sa Indio, California, binanggit niyang may 35 songs na siyang na-record para sa project na ito. “It’s just a matter of which one’s rock and which one’s sock,” biro niya.
Ang bagong album ay kasunod ng F-1 Trillion, ang country-inspired album niya na naging No. 1 sa Billboard 200. Kasama rito ang hit na “I Had Some Help” kasama si Morgan Wallen.
Ayon kay Post, tuloy pa rin ang pag-explore niya sa country music. Nag-re-record daw siya lately sa Nashville kasama ang mga kaibigan niyang sina Ernest, Hardy, at Thomas Rhett. “We just sit and f-ing talk and make songs,” kuwento niya.
Pero kung may aabangan ba tayong bagong kanta sa Coachella set niya? “Absolutely not,” sagot niya habang tumatawa. Pero don’t worry, kasi ayon sa kanya, may music na lalabas very, very soon. Plano pa rin niyang mag-release ng album taon-taon.
Fans, get ready — mukhang exciting ang next chapter ni Post Malone sa country music!