Nag-deploy ang Bureau of Immigration (BI) ng 40 dagdag na immigration officers at acting officers sa NAIA para mas ma-accommodate ang expected na dami ng pasahero ngayong Holy Week.
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, galing sa iba’t ibang opisina sa Metro Manila ang mga personnel na ipinadala sa airport para tumulong ngayong long weekend.
Kasama sa directive na ito, lahat ng entry-level at acting immigration officers ay kailangang mag-duty sa airport in rotation.
Sabi pa ni Viado, ang dagdag-tao sa NAIA ay tugon sa panawagan ng Pangulo na i-improve ang government services, lalo na sa mga mataong lugar tulad ng mga paliparan.