Isang lalaki ang nadaganan ng kabaong ng sariling ama matapos bumigay ang platform habang ibinababa ito sa hukay sa Greenmount Cemetery sa North Philadelphia.
Ayon sa video na nag-viral online, may walong pallbearers, kasama ang anak ng namatay na si Benjamin Aviles, na nagtangkang ibaba ang kabaong. Pero biglang bumagsak ang platform at lahat sila nahulog sa open grave.
Ayon kay Maribelle Rodriguez, stepdaughter ni Aviles, sobrang traumatic ng moment. Ang anak ni Aviles ay naipit sa ilalim ng kabaong at nawalan ng malay habang nakasubsob sa putik. May mga sugat din sa kamay, likod, at binti ang iba pang pallbearers.
Sabi ni Rodriguez, basang-basa at marupok ang kahoy, kaya siya ngayon ay humihingi ng sorry at refund mula sa cemetery at funeral home. Gusto niya ng hustisya dahil hindi raw naging maayos ang burol.
Ayon sa may-ari ng sementeryo, first time daw nangyari yun at nahihiya siya sa nangyari. Tinawag niya itong isang aksidente at nakikiramay siya sa pamilya.