Nag-deploy ng 1,000 pulis ang Central Luzon police para sa Holy Week.
Ayon kay Brig. Gen. Jean Fajardo, Central Luzon police director, ginawa ito para masigurado ang kaligtasan ng publiko ngayong panahon ng Semana Santa, lalo na sa mga araw ng April 13 hanggang 20.
“Tuwing Holy Week, dumadami ang mga biyahe sa terminals at dumadagsa ang mga deboto sa simbahan at pilgrimage sites, lalo na tuwing Maundy Thursday at Good Friday,” sabi ni Fajardo.
Dagdag pa niya, inutusan niya ang maximum deployment ng mga pulis at pag-activate ng mga support units sa buong rehiyon para bantayan ang mga tao at komunidad.
Ginagawa ito taon-taon bilang paghahanda sa posibleng pagdagsa ng tao sa mga pampublikong lugar.