Nagbebenta na ng murang bigas ang 4SM Agri Multi-Purpose Cooperative sa halagang P32 kada kilo sa San Miguel, Bulacan. Gamit ang sarili nilang rolling store, isinagawa ito bilang bahagi ng kanilang “Alay sa Masa” program.
Ayon kay Simeon Sioson, chairman ng grupo, nagsimula ang bentahan sa Barangay Lambakin. Dahil sa maraming humihiling ng mas murang bigas, napagdesisyunan nilang ibenta ito sa iba pang barangay.
Ngayong araw, magbebenta sila ng 300 sako ng bigas sa Barangay Sta. Rita, sa tapat mismo ng NFA San Miguel warehouse. Sa Martes naman, sa Barangay Bulualto ang bentahan.
Pwede bumili ang mga residente ng 1 kilo hanggang 5 kilos lang kada tao. Tuloy-tuloy ang bentahan habang meron pa silang stock ng palay.