
Nanguna sa pinakabagong Senate survey sina Ben Tulfo, Erwin Tulfo, at Senator Bong Go, ayon sa research group na Tangere. Ayon sa resulta, tatlo sila ay statistically tied sa unang pwesto.
Si Ben Tulfo ang may pinakamataas na voter support na 55.71%, lalo na mula sa Metro Manila at Visayas. Kasunod niya si Sen. Bong Go na may 55.17%, at siya naman ang nangunguna sa Mindanao.
Pangatlo sa listahan si Congressman Erwin Tulfo na may 54.42%, na malakas ang suporta sa Northern at Central Luzon. Ayon sa Tangere, si Ben ay popular sa millennials at Gen Z, habang si Erwin ay favored ng older voters.
Sa mga malalaking gainers, pumalo sina Sen. Bong Revilla (47.13%) at Tito Sotto (45.21%), at pareho silang nasa top 5. Nasa 6 to 10 spots naman sina Sen. Pia Cayetano, Benhur Abalos, Sen. Lito Lapid, Sen. Ronald dela Rosa, at Panfilo Lacson.
Si Manny Pacquiao ay nasa rank 11 na may 34.25%, habang si Sen. Francis Tolentino ay may 32.96% support mula sa NCR at Calabarzon.