
Na-raid ng Immigration at CIDG-NCR ang isang building sa Makati na napag-alamang ginagamit sa love scam. Ayon sa report ni John Consulta sa 24 Oras, nagsimula ang operation para i-rescue ang isang Chinese na sinaktan umano ng POGO boss.
Pag-akyat ng mga agents sa 10th floor, biglang nagtakbuhan ang mga tao sa fire exit. Kita sa video ang chaos habang tumatakbo ang mga foreigners (mostly Chinese). May ilang agents na nasaktan sa habulan.
Sa 5th floor parking, na-arrest ang ilan bago pa makasakay ng sasakyan. Sa 8th floor, nadakip ang mas maraming Chinese na nagtago sa empty offices, kasama ang isang babae na sinasabing boss ng POGO love scam.
Inaalam pa ng authorities kung may iba pang illegal activities ang mga naaresto. Ang reklamo raw ng Chinese victim — binugbog siya ng POGO boss kaya humingi siya ng tulong.
Chika pa: May inside job raw. May nakapasok na plainclothes agents sa tulong ng insider, tapos sinara ang fire exits. Kaya nahuli ang marami. Umabot raw sa 100+ arestado, P2M bawat isa ang bayad para sa release. Total: P90M.