Shake James at adidas, may bagong collab na naman! Sa pagdiriwang ng 414 Day — isang espesyal na araw para sa lungsod ng Milwaukee — inilabas nila ang dalawang bagong kulay ng adidas Forum Low CL. Ang drop na ito ay limited edition, kaya siguradong panalo sa mga sneakerheads!
May dalawang designs ang release:
Focus Blue/Shadow Navy/Bold Gold na inspired sa Lake Michigan at bagong flag ng Milwaukee
Cream White/Focus Blue/Better Scarlet na tribute sa original flag ng lungsod
Ang retail price nito ay $134.14 USD, na halos ₱7,600+ sa palitan ngayon. Magiging available na ito sa April 12, kaya bilisan kung gusto mong makasama sa mga unang makakuha!