
Matikas ang dating ni Seth Tyler Pana, isang 2-year-old baby hiker, habang naka-tayo sa summit ng Mt. Pulag kasama ang kanyang mommy at daddy. Trending ang video nila sa TikTok na may 500,000 views na! Imagine, panglimang bundok na nila ito!
Ayon sa mommy niyang si Lindsy Pana, nagsimula ang family hiking journey nila noong 10 months old pa lang si Seth. Mt. Batolusong sa Tanay, Rizal ang first ever bundok na inakyat nila noong May 20, 2023.
After that, nasundan pa ito ng adventures sa Mt. 360, Mt. Bangkaan, at Mt. Mataripis. Ang pinaka-latest ay ang Mt. Pulag hike nila noong February 2024, kung saan maraming netizens ang na-inspire sa baby hiker na si Seth.
Sabi ni Lindsy, siya talaga ang naunang mahilig sa hiking since 2017. Ngayon, sobrang happy siya kasi kasama na niya ang kanyang mag-ama sa pag-akyat. Mas naging nature-lover raw sila as a family.
Gusto nilang ipakita kay Seth habang lumalaki siya na importanteng alagaan ang kalikasan—kagaya ng pagtatapon ng basura sa tamang lugar at pagprotekta sa mga puno.