Inanunsyo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na naka-heightened alert ang lahat ng 44 na paliparan sa Pilipinas ngayong Semana Santa 2025. Inaasahan kasi ang 20% pagtaas ng mga pasahero, kaya’t todo ang paghahanda sa seguridad at serbisyo. Sa NAIA (Ninoy Aquino International Airport), maglalagay ng medical tents at mag-iikot ang security forces kasama ang K9 dogs para siguraduhin ang kaligtasan ng lahat.
Mas Mahigpit na Seguridad at Serbisyo 24/7
Ayon kay CAAP Director General Raul del Rosario, umiikot na ang operasyong “Oplan Biyaheng Ayos Semana Santa 2025.” Ibig sabihin, 24/7 ang operasyon sa mga airport at walang bakasyon ang mga essential personnel. Magkakaroon din ng help desks sa mga malalaking airport para tumulong sa mga pasahero at gawing mas mabilis at smooth ang biyahe.
PITX Inaasahan ang Mahigit 2.5M na Pasahero
Sa PITX (Parañaque Integrated Terminal Exchange) naman, over 2.5 million na tao ang inaasahang babyahe ngayong Semana Santa—mas mataas ng 700,000 kumpara sa nakaraang taon. Ayon kay PITX Senior Officer Kolyn Calbasa, simula pa lang noong Miyerkules ay dumagsa na ang mga pasahero. Ang Bicol Region pa rin ang pinakamaraming biyahe. Inaasahan din ang panibagong surge ng pasahero sa April 21–23, pagbalik ng mga tao sa Maynila para sa school at work.
Seguridad sa Kalsada, Bus, at Barko
Naglabas din ng “Oplan Semana Santa 2025” ang Land Transportation Office (LTO) para sa road safety. Ipapakalat ang mga enforcer sa highways, bus terminals, airports, at seaports. Pinayuhan ng Department of Transportation ang mga shipping operators na sundin ang anti-overloading policy o kakanselahin ang kanilang lisensya.