
Mukhang malapit na ang Bureau of Immigration (BI) at Philippine National Police (PNP) sa pag-alam kung sino ang mga "transporters" o facilitators na tumulong sa 5 Chinese fugitives na tangkaing tumakas palabas ng bansa gamit ang dagat. Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, may bagong lead ang PNP tungkol sa mga taong sangkot sa plano.
Para sa context — ang limang Chinese na sina Ying Guanzhen, Yang Jinlong, Liu Xin, Shen Kan, at Luo Honglin ay nahuli noong March 22 sa Zamboanga. Arestado sila ng BI intelligence at fugitive search unit, kasabay ng direktiba ni President Bongbong Marcos Jr. para sa mas mahigpit na border security. Ang grupo raw ay may kaugnayan sa Lucky South 99, isang POGO firm na na-raid dati dahil sa illegal activities.
Pero mas naging interesting ang storya. Ayon sa Police Regional Office - Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR), sinubukan na raw tumakas ng grupo isang araw bago sila mahuli. Sakay sila ng speedboat mula Jolo pero nasiraan sa Tawi-Tawi. Kasama nila ang 3 Pilipino boatmen, na sinabing inutusan lang silang magsakay ng pasahero — wala raw silang alam na fugitives pala ang sakay nila.
Ang tawag ng mga tao sa tumulong tumakas sa mga dayuhan ay “transporter” — mga taong nag-specialize sa illegal na pagtawid sa borders. May kahalintulad daw ito sa kaso ni “Fiona,” na sangkot sa trafficking papuntang Myanmar. Ang boatmen naman, kilala lang daw ang contact nila sa pangalang “Batman” — walang apelyido, walang ibang info.
May nadiskubreng green na substance din sa bangka na iniimbestigahan kung drugs ba ito. Sa ngayon, ang 5 Chinese fugitives ay nasa BI Detention Facility sa Camp Bagong Diwa, habang ongoing ang deportation process at imbestigasyon sa kanilang tumulong tumakas.