Tinalo si Novak Djokovic ng Chilean tennis player na si Alejandro Tabilo sa Monte Carlo Masters, 6-3, 6-4. Ayon kay Djokovic, "It was horrible," dahil ramdam pa rin niya ang epekto ng eye infection mula sa Miami tournament noong nakaraang buwan.
Hindi naging maayos ang laro ni Djokovic, na inaasahang magcha-champion ng kanyang 100th ATP title. Si Tabilo, na natalo rin siya noong 2024 sa Rome Masters, ay ngayon may 2-0 record laban kay Djokovic sa clay court. Wala raw siyang malaking expectations, pero ‘di niya inakalang ganito siya kababa maglaro.
Habang si Djokovic ay nalaglag sa torneo, si Carlos Alcaraz naman ay nakuha ang kanyang unang panalo sa Monte Carlo laban kay Francisco Cerundolo, 3-6, 6-0, 6-1. Slow start si Alcaraz pero bumawi agad sa next two sets, gamit ang mas agresibong style at drop shots.

Sinabi ni Alcaraz na nagbago ang laro niya matapos pumosisyon ng mas malapit sa baseline at hindi na hinayaang kontrolin siya ni Cerundolo. Ang susunod niyang kalaban ay si Daniel Altmaier ng Germany sa Round of 16.
Samantala, binigyang-pugay naman si Richard Gasquet, 38 years old, sa kanyang huling laro sa Monte Carlo. Simula pa 15 years old ay lumalaban na siya sa torneo, at magre-retire na matapos ang French Open.