



Inanunsyo ng ASUS ang apat na bagong limited-edition na modelo ng Zenbook laptops sa Milan Design Week 2025. Ang mga laptop na ito ay gawa gamit ang Ceraluminium, isang magaan at matibay na materyal na sila mismo ang nag-develop. Hanggang ngayon, wala pang tiyak na petsa ng release para sa bagong koleksyon.
Ang Ceraluminium Signature Edition collection ay binubuo ng apat na laptop na may kulay na inspired ng mga kamangha-manghang tanawin sa buong mundo. Kabilang dito ang mga kulay na hango sa mga lugar tulad ng Wadi Rum sa Jordan at Vaadhoo Island sa Maldives. Ang mga kulay ay nagre-reflect sa raw beauty ng kalikasan, tulad ng isang all-black model na may texture na parang black volcanic rock, tinawag nilang Obsidian Black. Mayroon ding deep blue version na may mga maliwanag na tuldok na tinatawag na Luminous Blue, na inspirasyon mula sa bioluminescent plankton sa mga dalampasigan ng Vaadhoo Island.
Ang isa namang kulay na Pamukkale White ay may mga piraso ng gold, na sumasalamin sa mineral-rich waters ng Pamukkale sa Turkey. Huling modelo ay ang chocolate brown version, ang Terra Mocha, na inspired ng mga sandstone at granite rocks ng Wadi Rum, isang UNESCO World Heritage site sa Jordan na puno ng ancient petroglyphs.
Ang Ceraluminium, isang kombinasyon ng ceramic at aluminum, ay isang inobasyon mula sa ASUS. Pinagsama nito ang magaan na katangian ng metal at ang tibay ng ceramics, kaya’t napaka-durable at magaan ng laptop na ito. Base sa aming experience, ang laptop na ito ay kayang tiisin ang mga araw-araw na gamit at hindi madaling magasgas, kaya perpekto ito para sa mga laging on-the-go.
Wala pang tiyak na petsa ng paglabas ang ASUS para sa kanilang bagong koleksyon. Abangan ang mga susunod na update para sa karagdagang impormasyon.