Si Manuel Masalva, kilalang aktor mula sa Narcos: Mexico, ay kasalukuyang nasa medically induced coma dahil sa isang malupit na bacterial infection na posibleng nakuha niya habang nasa Pilipinas. Ayon sa Deadline, si Masalva ay nasa kritikal na kondisyon ngunit stable at nasa ospital sa Dubai.
Sinabi ng manager ni Masalva na si Jaime Jaramillo Espinosa, CEO ng Mexican management agency JIM Management, sa Los Angeles Times na si Masalva ay dumating sa Dubai noong Marso 18 mula sa Pilipinas. Nag-umpisa siyang makaramdam ng internal discomfort at sakit na tumindi araw-araw. Nang matukoy na ang impeksyon ay umabot na sa kanyang mga baga, dumaan siya sa emergency surgery noong Marso 26 at inilagay sa medically induced coma.
Ayon kay Espinosa, ang baga ni Masalva ay nagre-respond ng mabuti sa mga antibiotics na ipinapasok sa kanya. "Bumaba na sa 80% ang kanyang respirator, na ibig sabihin ay nagrereact ng positibo ang kanyang baga," aniya.
Habang patuloy na ipinagdadasal si Masalva, ang kanyang pamilya ay nag-launch ng GoFundMe page para sa mga gastusin ng aktor. Si Mario Morán, isang malapit na kaibigan at co-performer, ay nag-post sa Instagram ng mensahe na ang kanyang "kapatid" ay patuloy na lumalaban para sa buhay, malayo sa bahay, at kailangan ng financial na tulong.
Si Masalva, bukod sa pagiging parte ng Narcos: Mexico, ay kilala rin sa mga palabas na La Rosa de Guadalupe at La Guzmán. Noong Marso 14, ibinahagi niya ang ilang larawan mula sa kanyang bakasyon sa Pilipinas at tinawag ito bilang isa sa mga "pinakamagandang karanasan ng kanyang buhay.