
May mga scrap drums na may natitirang kemikal na naging sanhi ng mabilis na pagkalat ng apoy. Gayunpaman, naprotektahan ang isang warehouse dahil sa kanilang fire system, kaya’t hindi gaanong naapektuhan ang loob nito.
Walang iniulat na nasaktan sa insidente, kahit na umabot ang sunog sa third alarm. Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad ukol sa sanhi ng sunog.