Noong Paris Fashion Week, ipinakita nina Pharrell at NIGO ang kanilang collab collection para sa Louis Vuitton Fall/Winter 2025. Maraming fans ng Y2K skatewear ang na-excite, lalo na sa bromance vibes ng dalawa sa buong collection. After ng show, may private Friends & Family sale para sa mga VIP na nakabili agad ng limited edition pieces straight from the runway.
Ngayon, ang ilan sa mga exclusive pieces na 'yun ay available na sa HBX Archives. Focus ng drop ay mga bag accessories na may iconic side-profile graphics nina Pharrell at NIGO. Dati itong ni-reveal as teaser bago pa lumabas ang full collection.
Ang design ng bags ay inside-out style. Sa loob, makikita ang classic LV Monogram leather print. Sa labas naman ay brown canvas na may graphics nina Pharrell at NIGO. May text din na, “LOUIS VUITTON HOMME AUTOMN HIVER 2025,” bilang reference sa season.