Na-delay ang pre-orders ng Nintendo Switch 2 sa US dahil sa bagong tariffs. Ayon sa announcement ng Nintendo, hindi pa sila mag-uumpisa ng pre-orders sa April 9, 2025 para ma-review muna ang epekto ng tariffs at market conditions. Pero don’t worry, hindi nagbago ang official launch date — June 5, 2025 pa rin ito.
Marami ang natuwa sa Direct livestream ng Nintendo — may mga GameCube games na babalik at may bagong FromSoftware game na exclusive. Pero hindi lahat happy. Maraming fans ang nagulat sa $450 na presyo ng Switch 2, which is 50% mas mahal kaysa sa unang Switch noong 2017. Even after considering inflation, mataas pa rin ang increase. Maraming fans ang nag-post ng “DROP THE PRICE” sa livestream comments.
Sabi ng Nintendo, habang iniintay ang updates sa tariffs, US lang ang apektado ng delay sa pre-order. Other countries tuloy-tuloy pa rin. Base sa Forbes report, nag-try na si Nintendo na ilipat ang production sa Vietnam para iwas tariffs from China. Pero mas mataas pa pala ang bagong tariff sa Vietnam — 46%, compared to 34% sa China.
Wala pang final price changes sa ngayon, pero may chance na tumaas pa ang presyo ng Switch 2 sa US. Stay tuned na lang tayo for more updates mula sa Nintendo.