Naglabas ng babala ang Chinese Embassy para sa mga Chinese citizens na nasa Pilipinas at yung mga balak pa lang pumunta. Sabi nila, dapat extra ingat dahil daw sa hindi stable na public security ngayon sa bansa.
Ayon sa advisory sa website nila, dumami raw ang political rallies sa iba't ibang lugar sa Pilipinas. May mga reklamo rin na ang mga Chinese nationals at negosyo ay pinagtatanong o ginugulo ng local law enforcement.
Sabi pa ng embassy, kailangang maging alerto ang mga Chinese sa sitwasyon ng seguridad sa paligid nila. Dapat daw silang iwas sa paglabas ng hindi kailangan, at umiwas din sa crowded places at political events para hindi mapasama.
Pinaalalahanan din sila na sumunod sa local laws at kung may balak bumiyahe papuntang Pilipinas, kailangan daw ng risk assessment at maingat na travel decision.
Dagdag pa ng embassy, kung may emergency, puwedeng humingi ng tulong sa pulis o kontakin ang Chinese Embassy at Consulate General dito sa Pilipinas. Nabanggit rin na noong January, may mga Chinese na nahuli sa umano'y pamboboso sa government areas, kaya naging mas alerto ang mga awtoridad.