
Nagpasalamat si Vice President Sara Duterte kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., at maraming netizens ang nag-react! May natuwa, pero may mga hindi rin kumbinsido sa kanyang pahayag.
Ayon kay VP Sara, dahil sa mga hakbang ng administrasyon ni PBBM, mas naging malapit siya sa kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na kasalukuyang naka-detain sa The Hague, Netherlands. Aniya, “There was forgiveness between me and my father for all that has happened in our lives.”
Kwento pa ng bise presidente, hindi nila napag-uusapan ang isyu sa International Criminal Court (ICC) dahil tanging mga abogado lang ang maaaring makipag-usap tungkol dito. Sa halip, mas nagiging personal at madalas ang kanilang pag-uusap bilang mag-ama.
Sa kanilang pagkikita, kasama ni VP Sara ang half-sister niyang si Veronica “Kitty” Duterte at si Honeylet Avanceña, ang long-time partner ni dating Pangulong Duterte. Ani Kitty, masaya raw ang kanilang ama na malaman na maayos ang kanilang pamilya.
Sa kabila ng sitwasyon, masaya si VP Sara na nabigyan sila ng pagkakataong mag-bonding. “It’s sad lang na nangyari ito sa loob ng detention, pero may good side din. So, yes, thank you (kay President Marcos),” saad niya.